banner.jpg

Home | About Me | Favorite Links | Contact Me | Gallery | My Compose

“Sa iyo’y Tabak sakin ay Tula

 

Sige pukpok hanggang mag lapad ang tabak,

 pak! pak! ting! Tung! Bag! Bug! Pung! Ting! Pak!

 

Mga tunog na maririnig mo sa paglikha ng bagay na nakakamatay

Makikita ito sa mga malalakas at matitikas na mga panday.

 

Isang sandatang matulis, matalas at matalim,

Isang igkas nya’y wasak, putol ano mang puntiryahin.

 

Itaga mo sa bato at sige nandyan parin,

Bibigay lamang kung sakaling palutungin.

Madalas takbuhan ng mga taong duwag,

   At ito rin ang tanging dala ng mamumundok bilang kalasag.

 

Sa iba’y gamit, pamutol ng panggatong,

Pang-gayat ng manok na sang taon nang nakakulong,

Pang-urak ng baboy nasisigaw-sigaw,

O pang pino ng luya na isasahog sa lugaw.

 

Isang maliit lamang sa mundo ang bagay nato,

Ngunit malaking pakinabang sa napakaraming tao.

Isipin nalamang kung wala ang bagay na ito?

Maputol mo kaya gabrasong panggatong mo?

 

Ngunit sa kabilang banda, may ilang gumagamit sa kanya,

Mapang abusong nilalang ginagamit sa masama,

Dating pamatay ng hayop na makakain,

Ngayo’y pamatay na ng kapwang bigas ang kinakain.

 

Aking napagisip-isip at napagtuunang pansin,

Na sa kabilang dako ito pala’y malaking puwing.

 

Kaya’t tula kong ito’y  subukin, pag-arala’t tan’win,

Magmimistulang panangga sa sino mang magiging salarin,

Sa iyo ay panaga, sa akin ay tula na siksik ng kataga,

Purol nga tila, ngunit pumapatay, animo’y himala!

 

Tinawanan ako nang nakabasa ng aking talata,

Sagot ko’y, maisip mo kaya, na luha’y pwedeng bumaha?

Kung sakaling makabasa s’ya ng tulang nakamamangha,

Dahil sa lakas ng pwersa, likha ng mahiwagang makata.

 

Tingnan mo si Rizal, Baltasar, at iba pang mapagmahal,

Sa bayang pinaligiran ng tabak at sandamukal na hangal.

Gamit ay munting panulat at papel sa paglikha ng sandata,

Sandatang di agresibo ngunit nagiiwan ng lungot na marka.

 

Tila’y isang pilat na naiiwan sa kaibuturan at lalim ng puso,

Walang bagay na di malusaw tabak ma’y pwedeng maglaho,

Kapag ito ang ginamit na sandata’y asahang di ka mabibigo,

Isang daang porsyento makapangyarihan ang talinhaga nito!

 

Tabak o Tula?  Sino ang mas mahiwaga?

Sa mga kapatid kong makata ang tula diba?

Sa mga taong mabababaw at salat sa lalim ng mga salita,

Malamang tabak ang kanila, pano’y utak ay malata.

“Nakakaawa…”

“Nasan ang Pagbabago?

 

Sa dinami dami ng naghihirap,at ng nagdurusa,

Iisa pa lamang talaga ang aking nakikita;

 

Nahihirapan na tayo wala paring pagbabago,

Ito ba ang lupang sinasabi’y pangako?

 

Bakit may mga batang nakikipagsabayan kay kamatayan?

Mga rumaragasang sasakyan kanilang sinasabyan,

Maka kura lamang sa bintana ng nakasisilaw na sasakyan,

  Malamnan lamang sikmurang tatlong araw ng walang laman.

 

Walang makasagot at walang makatugon,

Sa kagaya kong hindi  na ubusan ng tanong.

Di ko maintindihan walang kasing magpaliwanag,

Bakit ganito wala man lamang bang konting sinag.

 

Na aking maaaninag upang saki’y magkalinaw,

Ang mga bagay na sa aki’y parating pumupukaw,

Tumagal na ko’t  tumatanda na sa lupang ito,

Pero ang tanong ko tulad ng dati “ wala pang pagbabago?”

 

Sinikap kong isipin at hanapin ang kahulugan,

Ng salitang   kaginhawahan upang ako’y lubos na maliwanagan.

Aba at sandali  lang ,nakakaluko ito,

Sino ba ang pwedeng sa akiy sumaklolo?

 

Tulungan nyo ko baka akoy biglang maglaho,

Pagkat nadarama ko ang pagiging pakialamero,

Sapul pa ng bata’y hilig ko’y makialam,

At laging nagtatanong parati bang ganto na lamang?

 

Hindi sinasadya ng aking mata na makakita ng ganito,

Ipikit ko ma’y magbabakas parin ang tunay at totoo

Hindi maikukubling may mga taong mapang-abuso,

At sadyang napakaraming mapagbalat-kayo!

 

Ang sitwasyon dito’y  walang pagbabago,

Walang pagbabago, tulad parin ng dati “magulo!”

Maraming  namatay ng di nakasukob sa lilim,

At kung sino pang dukha s’yang madalas abusuhin.

 

Ika ng batang paslit “itay  anu pong lasa ng fried chiken?”

Sa pagkakataong iyo’y napaluha ang ama at napabulong sa hangin,

Pumatak ang luha  ng puno ng pighati ng di namalayan,

Hindi makasagot ang ama sapagkat di rin n’ya ito alam

 

Sa kalabisan ba ng mapaglarong tadhana o ito’y sadya?

Mga dukhang namuhay sa kagutumang lumalala,

Ito ba’y tanda? Na naghihirap ang buong bansa,

At  patuloy ang paglubog ng maralita?

 

Mga makakaliwa sa bansa anung ipinaghihimutok?

Dala-dala mong baril SULUSYON ba kapag ipinutok?

Tulisan sa laot ng kahirapa’y dapat ng magising,

Baka huli ng lahat, saka ka lamang magaalis ng piring.

 

Ang kaawa-awa kong bansa, bakit ka nagkaganto?

 Kahabag-habag ang nangyayari sayo.

Tulad mo’y isang ina ng lumalalang pamilya,

 Sa dami mong anak di sila magkakila-kilala.

 

Di ko napigilan rumaragasa kong luha,

Ito’y pumatak sa kalawakan ng tigang na lupa,

Nakaluhod kong bansa na animo’y nag-mamakaawa,

Kailan ba pagbibigyan, anu bang nagawa n’yang sala?

 

Di ko mapipigilan paghihimagsik kong lumalatay,

Gusto kong ipabatid na dapat tayo’y pantay-pantay.

 

Kailan pa ang inaasam kong pagbabago?

Kailan pa makikita ang lalim ng ngiti mo?

Kailan pa matutunaw ang puso mong  bato?

Kailan ka pa mag-mamahal ng kapwa mo tao?

 

At aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?

Dalangin ko’y magkaisa at tumatag ang kababayan kong PILIPINO!

 
Talinghaga ng Apoy

 
Elementong nagbibigay liwanag
Sa pusikit na kadiliman;
Dito sa daigdig.
Elementong nagbibigay ng hapdi
Sa bawat madaiti ng kanyang;
Mabagsik na kamandag.
Elementong nagbibigay ng pighati
Sa bawat bagay na tinutupok;
At mistulang gawing abo.
Elementong nagbibigay ng kamatayan
Sa bawat nilalang na nilamon;
Ng kapaitan.
Elementong nagbibigay ng hininga
Sa mga tao,hayop at halaman;
Upang mabuhay.
Elementong nagbibigay ng karunungan
Sa mga dalubhasa’t henyo;
Sa pagtuklas.
Elementong nagbibigay ng babala
Sa bawat taong mapang-abuso’t ;
Mapagsamantala.
Elementong nagbibigay ng giya
Sa isang dako ng kalituhan;
Upang maging tanglaw.
Elementong nagbibigay ng unawa
Upang tayo’y maniwalang;
May Dios na tunay.

 
“Hinanaing ng isang Dukha”
 
 
Dala ng pagiging dukha at parating napagiiwanan,
Sa lipunan at labis ang hirap na nararamdaman,
Hindi kayang makipagsabayan sa matataas na angkan,
Kasi’y dukha yan ang parating sa aki’y humahadlang.
Ako’y maralitang naka-tunganga sa kawalan,
Sa pagkat ulti mong simpleng letra’y ‘di alam.
Naguguluhan sa tuwing makakarinig ng ingles,
Pakiramdam ko’y pilit akong pinapaales,
Dito sa mundong aking kinamulatan,
Sapagkat para na kong isang timang.
Ito ba ang dulot ng pagiging dukha ng isang tao?
Ang maging sunod-sunuran sa kalupitan ng mundo?
Kasalanan bang maging salat sa kayamanan ?
Sapat bang dahilan upang ako’y tawan-tawanan?
Kung alam ko lang kung panong, bumasa at magsulat,
Hindi na sana ako nagdurusa, sa pangaalipustang mabigat.
Mga taong may pinagaralan lang ba ang may karapatan?
Na gawing magpakasarap at bumili ng utos-utusan?
Ganon na nga lamang kaya ang tingin saming mga dukha?
Ang kalupitan ng tadhana’y sadya nga kayang ginawa?
Kailan kaya maaalis sa isip ko ang mga bagay na to?
Nasan na kaya ang mga taong saki’y pwedeng sumaklolo?
Pagsisikap nga ba ang sagot sa nilalang na nagkukumahog,
At para narin maiwaksi ang pagkabalisa sakanlang pagtulog?
Yun nga ba ang kasagutan sa matagal ko nang katanungan?
At diploma lamang nga lang kaya ang nagbibigay kahalagahan?
Eh teka lang dumanas ba nito ang mga batang anak mayaman?
Na ni kalian may di napabayaan ang kanilang malulusog na katawan .
Na di kapares ng dukhang pumapasok kahit sikmura’y walang laman,
Makapasok lamang at makatapos susuungin kahit kamatayan?
Kahirapa’y pilit na humahaltak sayo upang ika’y igiya,
At sa bandang huli’y talo ka kung ika’y mahina-hina,
Huh, Kung alam lang sana ng mga mahihilig mang alipusta,
Na kung hindi rin dahil saming mga dukha’y wala sila.
 
Ang tanong bakit? Eto pagisipan mo,
Bigyang diin at itanim sa puso mo.
Kung ika’y isang mayaman, kaya mo bang lumusong sa putikan?
Kaya mo bang madarang ng mahigit limang oras sa kainitan?
At kaya mo bang mangalaga ng tatlong hektaryang palayan?
Nang wala kaming mga dukhang nakalaan para gawin yan?
Sinong gagawa ng bahay, sinong maglalagere?
Sinong maghuhukay, sinong mananahe?
Sinong magpapalake ng mga hayop na makakain?
At sinong magtatanim sa palay na araw-araw mong kinakain?
Tanong ko kung ikaw ay isang mayaman kaya mo bang gawin yan?
Ang mangolekta ng mga nahuhulog na sampaguita na pagkakakitaan,
Makipagpatentero sa kalsada kalaba’y mga sasakyan,
Mapakain lamang pamilyang kalunos-lunos kahit kay kamatayan lalaban!
 Masubuan lamang, anak na tanging yaman sa mundong puno ng pasakit,
Maalis lamang hapdi ng sikmura, at makaraos sa kapalarang kay pait,
Ang makahawak ng dalawangpung piso sa isang araw ay masaya na,
Makabili lamang ng kalahating kilong bigas at tatlong tinapa.
Kapansanan ng iba’y puhunan sa lansangan upang kaawaan,
Upang sa hawak nyang baso ng jolibee’y may maglagay man lamang,
Piso, dalawang piso, hanggang sampung piso,
Hanggang makatulog, magigising lang kapag medyo mabigat na ang baso
Nagtitiis lumanghap ng maruming usok ng sasakyan,
Tagos sa baga, paglao’y kulang pa sa gamot kanyang napaglimusan.
May mga bata namang maigaod lang ang pamilya,
Hala sige sabay sa kainitan ng araw, tulak ng karitela,
Sisigaw-sigaw kahit gutom, bakal! Bote! Dyaryo!,
 Kahit mahapdi ang sikmura hala ikot buong baryo.
Ano ikaw di kaba nahahabag sa kapwa mong dukha?
Kahit kita mo nang mamamatay di ka parin maaawa?
Ganyan ang kalabisan at kasawiang nararanasan ko,
Sana’y wag balewalain hinanaing ko lalo na sa gobyerno.
Kaysa makipagsigawan sa kapwa pulitiko
Bakit di nalang bigyang pansin dukhang katulad ko.
Malay n’yo may malaking maitulong ako sa bansang lumalala,
Para makalampas sa trahedya ng lundagan ng mga buwaya
Tulugan ng mga bwitre at pahingahan ng mga ulupong,
Rest house ng pusakal at teroristang ayaw magpakulong.

Pag-mulat

 

Kung iyong titingnan at pagaaralan bansa nating di maintindihan, maihahalintulad mo sa isang sapang punong puno ng yamang tubig subalit napapaligiran naman ng mga buwaya, masakit pakinggan at isiping ganto ang katotohanan, mas madali pang isalba ang isang taong hawak ng mga criminal kaysa sa isang pamilyang mahirap pa sa daga na dito naninirahan sa bansang aking kinaroroonan. Noong unang panahon ang mga taong dito’y nakatira ay namomroblema, walang patid na katanungan sa isipan ang parati’y sa kanila bumabagabag, na kalian ba sila palalayain ng mga taong mapang-lamang at mapang-angkin ng bansa ng may bansa sila yung mga banyagang madalas ay kilala dahil sa high Technology na dala-dala. Mga banyagang dito’y nais kunin ang masaganang yamang lupa, dahil nga sa yamang kumikinang na nakaumang, na animo’y isang hinog na magga na naghihintay pitasin. Sabihin na nating sa tulong ng mga taong dito’y tila mga leong mabalasik na hindi papayag paalis sa kinalakhang bundok.

Ang malaking tanong ay nasaan na ang pinag paguran nila ngayon at ang isa pang malaking tanong eh bakit kung sino na nga ang marami ay sya pang nagkakaroon.  

“Ako’y Nakalaya na”

 

Heto ako ngayon at nagiisa

Puro hirap at dusa ang tinatamasa

Ang buong akala ko pagsasama’y walang hangganan

Pero bakit ganon sa isang iglap ako’y nilisan,

 

 Puso nating nagsumpaan saksi pa ang kalangitan,

Puro saya’t ligaya lamang ang namamagitan,

Sa ating dalawa na nangako sa isat-isa,

Magsasama tayo sa hirap at ginhawa.

 

Subalit bakit lahat ay unti unting nagbago,

Mga pangako mo, wari ko ay nagpapako.

 

Ikaw ang babaing nagpatibok ng puso ko,

Ngunit ikaw rin ang nagpahinto at nagparugo dito.

Araw gabi’y naghihinagpis sa iyo,

Sa kaiisip ng mga nakaraang kalabisan mo.

 

Ano ang gagawin ngayong wala kana sa akin,

Pinabayaan mo lamang ang nakaraan sa atin?

Pinag-aralan kong tanggapin na ika’y wala na sa akin,

Kaya’t dumating ang araw na natutuhan din kitang limutin.

 

Huwag kang magtataka kung dina ko maghiintay,

Na ibalik mo sakin ang pag-ibig kong inalay,

Walang silbi sayo kahit ako’y magmakaawa,

Kaya’t heto lumakas  dahil sa sakit na  napala.

 

Ang pag-ibig mong huwad na sa akin ay nang daya,

 Labis akong nagdamdam kaya’t ako’y napaluha.

Ako’y  nasaktan sa pighating dulot mo,

Sa mga hapding dumilig sa puso  kong tapat sayo.

 

Kaya’t hindi na naghahangad na tayo ay mag-sama,

Ako’y magtitiis lumipas man ang dekada.

At tumanda man ako magkaedad man ng nubenta,

Basta ang mahalaga ako’y nakalaya na…

Ang Lumipas ay Lumipas na

 

 

Masakit  palang ikaw ay malipasan,

Ng kaligayahang dimo naranasan.

 

Kung babalikan lahat ng nakaraan,

Maligayang sandali’y tila walang paglagyan.

Kung iisipin ko sapol ng aking pagkabata,

At pagkukumparahin natin sa aking pagtanda.

 

Isang tanong ang nabubuo saking isipan

Na ang nakaraan ay dina kayang balikan.

 

 Nakapanghihinayang dulot ngayon ay kalungkutan

Ang dating kaligayahan bakit diko maramdaman

Diko naman malimot kaya’t ako’y nababagot

Para bang natutulad sa isang malaking bangungot

 

Suntok na lamang sa  buwan kung ito’y mauulit

Bakit ganito isipan ko’y nangungulit?

Gusting balikan ang nakaraan at silayan,

Ang mga naaganap na di malimot-limutan.

 

Kung may aparatong mag babalik ng nakaraan,

Baka sa dako paroo’y matanawan ko ang kaligayahan.

Kaligayahang nagbigay kulay sa kahapon,

At nagmistulang talatinginan ng panahon sa ngayon.